Inihayag ng Department of Health (DOH) na imposibleng payagang lumabas ang mga COVID-19 patients sa mga ospital para makaboto sa darating na Halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ‘COVID-proofing’ round-table discussion na ito ay dahil kailangan na naka isolate ang mga pasyente na positibo sa virus.
Dagdag pa ni Vergeire, ang Commission on Elections (COMELEC) lamang ang maaaring magtakda ng mga alternatibong paraang para makaboto pa rin ang mga pasyente na may COVID-19.
Samantala, matatandaan na sinabi ng COMELEC na magkakaroon ng isolation polling places para sa mga botanteng may sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan.