Tumaas pa ang bilang ng mga pasyente ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Dr. Rose Marie Liquete ang publiko na bumisita agad ng clinic ang mga pasyente upang kumuha ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 oras hanggang 72 oras.
Ayon kay Liquete, sa oras na mababad sa maruming tubig, kailangan agad silang magkaroon ng prophylaxis.
Ilan umano sa mga sintomas ng leptospirosis ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes.