Karamihan sa mga pasyente sa mga intensive care units sa mga ospital sa buong bansa ay hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Dr. Ted Herbosa, special adviser of National Task Force against COVID-19, siyam sa 10 pasyente sa ICU na nahawaan ay hindi bakunado kung saan ang mga bakunado ay dinapuan lamang ng mild symptoms.
Ito ay dahil ganap na nabakunahan ng pambansang pamahalaan ang higit sa 9.8 milyong mga Filipino noong Agosto 3, ngunit malayo pa rin ang target nito para sa kaligtasan sa kawani.
Giit pa ni Herbosa na layunin ng Metro Manila Council (MMC) na mabakunahan ang 50% ng populasyon ng Metro Manila, na kasalukuyang nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa Agosto 20.
Samantala, nagpaalala naman si Herbosa sa mga senior citizen at people with commorbidities na magpabakuna kontra COVID-19 ngayong ECQ.
Aniya, sa pamamagitan nito matutuldukan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.