Aabot sa 200 pasyente ng Masbate Provincial Hospital ang inilikas matapos ang magnitude 6 na lindol sa lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng ospital, nagtayo na sila ng mga tent sa labas ng pasilidad sa tulong ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan at ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office (PDRRMO).
Sa pahayag ng PDRRMO, walang naitalang nasawi o nasugatan sa mga pasyente matapos ang pagyanig.
Matatandaang naitala ang lindol kahapon, alas-dos ng madaling araw kung saan, naglaan na ng pondo ang ilang ahensya ng gobyerno para sa mga apektadong residente.