Hindi na rin tatanggap ang Pasay City General Hospital (PCGH) ng mga Covid at non-Covid patient matapos umabot na sa full capacity, simula kahapon.
Ayon kay PCGH Officer-In-Charge, Dr. John De Gracia, puno na ng mga pasyente ang kanilang intensive care unit, ward beds, emergency rooms at isolation units para sa COVID-19 cases.
Kinapos na rin anya sila ng mga healthcare worker kaya’t hindi na sila tatanggap ng mga severe at critical COVID-19 patients.
Sa ngayon ay 44 na nurses at iba pang empleyado ng ospital ang nag-positibo o nagpakita ng mga sintomas ng sakit.
Nilinaw naman ni De Gracia na tanging emergencies at life-threatening surgical procedures ang kanilang tutugunan at isasagawa lamang ang consultation sa pamamagitan ng telemedicine.