Papayagang makapasok ng rehiyon ang mga pasyenteng magtutungo sa mga ospital sa Metro Manila.
Ito ang nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos isailalim ang Metro Manila sa community quarantine dahil 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, kailangan lamang na magpakita ng katunayan na nangangailangan ng atensyong medikal ang isang pasyente at papayagan itong makapasok ng Metro Manila.
Tiniyak ni Año na bibigyang prayoridad ang mga pasyente na kailangang magpagamot sa Metro Manila.
Kasabay nito, hinikayat naman ng kalihim ang mga magpapacheck-up lang na kung maaari ay sa malapit na lamang sa kanilang lugar.