Umabot na sa higit 100 ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 ang nananatili pa rin sa Philippine General Hospital o PGH.
Base sa datos ng ospital, nasa 107 na ang bilang ng mga naka-admit na pasyenteng kumpirmado na may COVID-19 kumpara noong nakaraang linggo na bumaba sa 90.
Nasa 1,673 naman ang mga nasawi habang ang mga gumaling ay 5,502.
Umabot sa 7,322 ang kabuuang bilang ng pasyenteng may COVID-19 sa naturang ospital mula pa noong Pebrero 2020.—mula sa panulat ni Airiam Sancho