Lumobo pa sa 250 COVID-19 patients ang naka-admit sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial o TALA Hospital sa Caloocan City, simula noong Lunes.
Ayon kay Hospital Director, Dr. Fritz Famaran, nasa 20 hanggang 25 ang admissions ng pagamutan kada araw.
Sa kabila nito ay hindi pa naman anya umaabot sa maximum ang bed capacity na 520.
Nasa 65 hanggang 70% naman ng mga naka-admit sa TALA Hospital ang bakunado na kontra COVID-19 at nakararanas lamang ng mild hanggang moderate symptoms.
Gayunman, 10% ng mga hindi bakunado ang severe at critical cases habang 15 hanggang 20% lamang ang mayroong first dose ng bakuna.