Dumarami ang bilang ng mga pasyenteng dinadapuan ng mild case ng COVID-19 sa Biñan, Laguna ang ginagamot sa parking lot ng mga ospital.
Ayon kay Biñan City Mayor Wilfredo Arman Dimaguila Jr., na bukod sa mga pampublikong ospital ay na-o-overwhelmed na rin sa COVID-19 patient ang lahat ng pribadong ospital sa lungsod.
Kaya’t maging ang mga parking lot aniya ng mga ospital ay nagsisilbi na ring ‘extension area’ para sa mga asymptomatic at mild cases ng COVID-19.
Mababatid na ilan sa mga dinadalang pasyente sa kanilang mga ospital ay nangangailangan ng agarang suplay ng oxygen partikular sa mga senior citizen at mga may comorbidities o sakit.
Sa huli, nagpaalala ang opisyal sa mga residente ng lungsod na mahigpit na sumunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.