Inihayag ni Dr. Jonas Del Rosario na bumaba na ang bilang ng COVID-19 patients sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa ngayon, ay nasa 107 na lamang ang mga pasyenteng may COVID-19 sa naturang ospital mula sa dating 350 patients noong Setyembre.
Gayunman, sinabi ni Del Rosario na mas marami ngayon ang naka-admit na non-COVID patients sa PGH.
Aniya, karaniwan sa non-COVID patients ay mga may cancer, sakit sa puso at iba pang inpeksyon.
Tiniyak naman ni Del Rosario na sapat ang medical at equipment supplies sa PGH. —sa panulat ni Hya Ludivico