Binalaan ng mga eksperto ang mga pasyenteng bagong galing mula sa sakit na COVID-19.
Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, bagamat maari nang lumabas ang mga nasabing pasyente hindi pa rin dapat maging kampante ang mga bagong recover lang sa COVID-19 kahit tapos na ang kanilang isolation period.
Mataas kasi ang tsansa na magkaroon ng reinfection o kaya ay makapanghawa sa mga hindi pa bakunadong indibidwal dahil sa kanilang pakikihalubilo sa ibang indibidwal.
Sinabi ni Solante, na ang mga pasyenteng hindi pa nabakunahanay maaring mainfect ulit ng sakit isang buwan matapos makarekober mula sa virus lalo na’t patuloy na nagmumutate ang COVID-19 sa mga lugar na may mataas ang impeksiyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero