Tuloy-tuloy pa rin ang mga patakaran na ipinatutupad sa mga pampublikong sasakyan kaugnay sa COVID-19.
Ito ang ipinaalala ni Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) Chief Charlie del Rosario para matiyak ang kaligtasan ng mga commuters sa banta ng virus.
Aniya, bawal pa rin ang mga nakatayong pasahero, pagkain, paggamit ng cellphone at dapat din aniyang laging naka-facemask.
May mga itinalaga namang mystery riders ang I-ACT upang mahuli ang mga lumalabag.