Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kinakailangang sundin ang mga patakaran ng social media giant na Facebook.
Ito’y makaraang pumutok ang usapin hinggil sa 200 accounts na tinanggal ng Facebook na iniuugnay kay Nic Gabunada, dating campaign manager ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Nograles, isang pribadong korporasyon ang naturang social networking site at mayroon itong sariling rules and regulations na kailangang sundin ng sinumang gagamit nito.
Wala rin anyang kontrol rito si Gabunada kahit pa kine-kwestiyon nito ang ginawang hakbang ng Facebook at iginigiit na walang ginawang pagkakamali ang mga nabanggit na bilang na accounts na kanya umanong inorganisa.
Samantala, itinanggi naman ni Gabunada na may kaugnayan siya sa 200 accounts na tinanggal at kinakitaan ng mga mapanlinlang na gawain.