Ipinagbabawal na ng pamahalaang bayan ng Malibcong sa Abra ang pangangaso at pagkatay ng mga baboy ramo.
Ito’y makaraang mangamatay ang mga baboy – ramo sa mga bayan ng malibcong at tineng sa nasabing lalawigan na labis na ikinabahala ng mga residente ruon.
Nabatid na nagpositibo sa African Swine Flu (Asf) ang mga nakitang karne ng baboy ramo sa bulubunduking bahagi ng Barangay Lat-Ey.
Kasunod nito, nagpulong na ang provincial veterinary office, mga livestock coordinator at municipal agricultural offices sa mga apektadong lugar sa lalawigan.