Idinepensa ni Defense Sec. Delfin Lorenzana si Sen. Christopher Lawrence “Bong Go” sa mga birada ni retired Lt/Gen. Antonio Parlade Jr.
Ito’y matapos paratangan ni Parlade si Go na tila kinokontrol umano nito si Pangulong Rodrigo Duterte at nakikialam umano ito sa mga transaksyon ng AFP.
Sinabi ni Lorenzana, sa pagkakakilala niya sa Pangulo ay mag-isa itong nagpapasya at hindi kailanman siya dinidiktahan ng mga nakapalibot sa kaniya.
Dagdag pa ni Lorenzana, malaki ang nagagawang tulong ni Go dahil nagsisilbi siyang tulay ng AFP sa Pangulo at kahit kailan ay hindi ito lumihis sa mga kagustuhan ng Punong Ehekutibo.
Pinasinungalingan din ni Lorenzana na mayruon na umanong namumuong disgusto sa hanay ng militar taliwas sa paratang ni Parlade. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)