Tumanggi ang Malacañang na patulan ang mga patutsada ni Senadora Leila De Lima kaugnay sa anti-drug campaign ng gobyerno.
Kasunod ito ng naging pahayag ng Senadora na kahit pa paulit-ulit, aniya, siyang tawaging reyna ng drugs, hindi malulutas ang tunay na problema at hindi magkakaroon ng pangmatagalang solusyon ang problema sa droga sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi bahagi ng pagresolba ng Pangulo sa ililgal na droga sa bansa ang magpalutang ng mga bansag.
Katunayan, aniya, mayroong ginagawa ang Pangulo sa malalang problema sa droga dahil siya ay “man of action” at hindi “man of words” o nag-iingay lang.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping