“Exempted” sa No Vaccine, No Ride policy ang mga indibidwal na pauwi sa Metro Manila o probinsya.
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na ikinukunsiderang “essential travel” ang pag-uwi sa NCR at mga probinsya at papayagan ang mga unvaccinated, kahit mag-isa o may kasamang mga bata na gumamit ng public transportation.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran batay sa direktiba ni Secretary Arthur Tugade, kung may pruweba na palabas o papasok ng Metro Manila para umuwi sa kanilang permanenteng tirahan ay papayagang makabiyahe ang mga hindi bakunado.
Kailangan lamang anyang magpakita ng ID na may kumpletong address ang mga unvaccinated at uuwi.
Kasabay ng ipinatutupad na alert level 3 sa Metro Manila, magtatapos ang umiiral na no Vaccine, No Ride policy sa Enero a-31.