Patuloy na dinaragsa ng mga papauwing pasahero ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Araneta Bus Terminal sa Quezon City, ilang araw bago ang Pasko.
Ayon sa PITX, mas marami ang mga biyahero ngayon kumpara noong bago magpandemya matapos umabot sa 100,000 ang bilang ng mga pauwing pasahero sa kani-kanilang probinsiya nitong Lunes.
Tiniyak naman ng pamunuan ng mga terminal ng bus na nasusunod ang 70% capacity na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) gayung pre-booked lahat ng biyahe.
Nagpaalala rin ang pamunuan ng PITX sa mga biyahero na siguraduhing kumpleto ang mga dala-dalang requirements upang hindi maantala ang kani-kanilang biyahe. —sa panulat ni Joana Luna