Iginiit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na hindi na dapat magdeploy ng karagdagang coast guard personnel sa mga terminal, paliparan, pantalan, at mga pangunahing kalsada para tumulong sa mga biyahero ngayong Holiday season.
Ito’y kasunod ng planong pagdeploy ng 25,000 tauhan ng PCG para magbantay ngayong Kapaskuhan.
Matatandaang pinuna ng ilang mga senador ang mga problemang kinakaharap ngayon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa gitna na rin ng kumpirmasyon ng kalihim ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Dela Rosa, mas mainam kung i-deploy nalang ang mga tauhan ng PCG sa West Philippine Sea upang mabawasan ang ginagawang aktibidad ng mga Chinese coast guard sa pinag-aagawag teritoryo.
Sinabi pa ng senador na nasa normal at maayos ang sitwasyon ng bansa dahil nasusunod naman ng publiko ang COVID-19 health protocols.