Umarangkada na ang vaccination program ng Pamahalaan para naman sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs mula sa Parañaque City Jail.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penlogy o BJMP sa Parañaque City, aabot sa kabuuang 1,377 mga Persons Deprived of Liberty o PDLs ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Mula sa nabanggit na bilang ay nasa 1,180 sa mga ito ay lalaking inmates habang 197 naman ang mga babaeng inmates na tumanggap ng unang dose ng bakunang SINOVAC.
Nagpapasalamat naman si Parañaque City Jail warden J/Supt. Richard Kho sa Lokal na Pamahalaan gayundin sa City Health Office sa pangunguna ni Dr. Olga Vertusio para sa alokasyong bakuna para sa mga PDLs.
Ayon kay Kho, inmate man ay tao rin at may karapatan na maprotektahan mula sa banta ng COVID-19.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)