Aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang nasabat na mga pekeng pera ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong taon.
Ayon sa BSP, nagsagawa ang kanilang ahensya ng pitong operasyon kung saan, naaresto ang 16 na suspek kung saan, 14 dito ay napag-alaman na mga miyembro ng sindikato.
Nabatid na umabot na sa 12,000 piraso ng pekeng pera na nagkakahalaga ng 7.69 na milyong pisong halaga ang nakumpiska ng BSP sa mahigit 100 operasyon na isinagawa sa loob ng 10 taon.
Dahil dito kabuoang 176 na mga sindikato na ang bilang ng mga naaresto ng BSP.
Nagpaalala naman ang pamunuan na ang pamemeke ng mga pera ay maaaring magdulot ng pagkakakulong sa loob ng mahigit 12 taon kasama ang multang hindi lalampas sa dalawang milyong piso. —sa panulat ni Angelica Doctolero