Tinatayang tatlong bilyong Pisong halaga ng mga smuggled at counterfeit products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Tundo, Maynila.
Ayon sa B.O.C., ang mga nasabing produkto ay binubuo ng mga pampaganda, pabango at iba pang merchandise na inimbak sa limang residential units sa Vicente Tower sa Dagupan Street.
Nagmula umano ang mga kontrabando sa China batay sa pagsisiyasat ng Intellectual Property Rights Division ng B.O.C.
Isang Justine Lim ang sinasabing may-ari ng mga residential unit at consignee ng mga naturang shipments pero wala ito sa lugar nang sumalakay ang mga otoridad.