Hinimok ng SWS o Social Weather Stations ang publiko na huwag basta basta maniwala sa mga mapagkunwaring SWS surveys lalo na’t kung hindi ito makikita sa kanilang official website.
Ito’y babala ng SWS laban sa mga pekeng polls at interviewers na inaasahang maglilitawan ngayong papalapit na ang 2019 midterm elections.
Ayon sa ahensya, maaari munang beripikahin ng publiko kung lehitimo ang interviewer sa pamamagitan ng kanyang identification card na dapat ay mayroong pangalan at logo ng SWS, pangalan at pirma ng interviewer, at validity period ng ID.
Ipinabatid din nila sa publiko na walang ibang tanggapan ang SWS kundi ang kanilang opisina sa Malingap Street, Sikatuna Village sa Quezon City.