Humakot ng parangal ang Pilipinas sa katatapos lamang na ASEAN International Film Festival and Awards sa Grand Ballroom ng Pullman hotel sa Kuching, Malaysia.
Anim na kategorya ang napanalunan ng mga pelikulang pilipino sa pangunguna ng best actress award ni Ai-Ai Delas Alas sa pelikulang ‘Area’ sa direksyon naman ni Louie Ignacio na nanalo naman ng best director.
Gayunman, hindi nakabiyahe ng malaysia si Ai-Ai dahil mayroon itong mga commitment sa Pilipinas kaya’t si direk Louie ang mismong tumanggap ng award para sa aktres.
Nasungkit naman ni Ana Capri ang best supporting actress para sa isa pang pelikula ni Ignacio na “Laut,” best supporting actor si Ricky Davao sa pelikulang “Dayang Asu” ni Bor Ocampo.
Iniuwi rin ni direk Lawrence Fajardo ang best editing prize sa pelikulang “Imbisibol” habang iginawad ang special honor award kay direk Lav Diaz ng “Ang Babaeng Humayo,” matapos mapanulunan ang top prize sa Venice Film Festival, noong isang taon.
PANOORIN: Trailer ng pelikulang ‘Area’ kung saan gumanap si Ai-Ai bilang isang sex worker
By Drew Nacino
Mga pelikulang Pilipino humakot ng parangal sa ASEAN International Film Festival was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882