Target ng Department of Foreign Affairs (DFA) na linisin ang nasa 20K suspended passport application backlog hanggang katapusan ng buwan.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant-Secretary Senen Mangalile, mula sa 696,412 passport applications nitong Hulyo 9 hanggang october 2, na-i-transmit na ng DFA ang nasa 93%.
Habang 4% para sa verification at 3% o 24,069 ang nasuspinde dahil sa mga mali sa form na isinumite ng aplikante.
Aminado naman si Mangalile na kung hindi nila maabot ang deadline ay aabutin ng dalawa pang linggo bago tuluyang ma-overhaul ang buong backlog.
Sinosolusyunan na rin anya ng kagawaran ang paglalabas at delivery ng passports at bilang tugon ay plano nilang kunin ang serbisyo ng dalawang kilalang courier company sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino