Isasailalim sa quarantine ng South Korea ang kanilang mga pera para mapigilan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ayon sa Bank of Korea, dadaan sa high–heat laundering process ang mga pera at itatago sa loob ng dalawang linggo bago ilabas at ipagamit sa publiko.
Pinaniniwalaan kasing namamatay ang virus matapos ang siyam na araw.
Bukod dito, sinimulan na ring sunugin ang ilang maruruming mga pera mula sa iba’t ibang bahagi ng South Korea.
Umaabot na sa mahigit 6,000 kaso ng (COVID-19) ang naitala sa South Korea na siyang pinakamaraming bilang sa labas ng China.