Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang anila’y Worst Performance pagdating sa remittance ngayong taon
Batay sa tala ng BSP, aabot lang sa halos 3 porsyento ang Cash Remittance nitong Hunyo na katumbas ng mahigit 120 bilyong piso
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 124 na bilyong piso sa kaparehong panahon nuong isang taon
Sinasabing bumaba ang dumarating na pera mula sa mga bansang Saudi Arabia at Qatar kung saan naruon ang mga tinatawag na Land Based Workers
Nananatili namang pinakamalaking pinagmumulan ng Remittance mula sa mga OFWS sa unang 6 na buwan ng taong ito ang Estados Unidos