Walang kredibilidad ang ilalabas na narco-list kung hindi makakasuhan ang mga personalidad dito.
Ayon ito kay Atty. Egon Cayosa, Executive Vice President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Sinabi ni Cayosa na hindi siya tutol sa plano ng Department of Interior and Local Government o DILG na ilabas ang narco-list subalit kailangan munang kasuhan ang mga nasa narco-list para hindi pagdudahan na politically motivated ang hakbang lalo na’t mag-e-eleksyon.
Matagal na rin naman aniyang usapin ito subalit hanggang ngayon ay wala pang nakakasuhang pulitiko na umano’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
—-