Iminungkahi ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pagsuri sa mga personalidad na nasa payola ng mag-amang Rolando at Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Lacson na ito ay upang malaman kung mayroon sa mga ito na may kakayanan na iutos ang mga operasyon kung saan nasawi ang alkalde at ang ilan nitong tauhan.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
Hinimok din ni Lacson ang awtoridad na bigyang kunsiderasyon ang maagang pagkuha na sa sinumpaang salaysay ng anak ni Espinosa na si Kerwin.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
Albuera PNP
Samantala, mahigit na sa 86 na personalidad ang kinasuhan ng Albuera Leyte PNP dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera Leyte PNP, ang mga kinasuhan nila ay batay sa affidavit ng napaslang na Mayor Rolando Espinosa Sr. ng Albuera Leyte kung saan 26 na personalidad ang kanyang binanggit.
Kabilang anya sa kanilang kinasuhan si Senador Leila de Lima na itinurong protektor ng mag-amang Espinosa sa kanilang negosyo sa illegal drugs at 10 miyembro ng Philippine National Police.
Ipinaliwanag ni Espenido na ang mga kinasuhan lamang nila ay yung mga kumpirmadong naka-transaksyon ni Espinosa.
Ang iba anya sa mahigit 200 pangalan na binanggit ng napaslang na alkalde ay ibinatay lamang nya sa pagkaka-kwento sa kanya ng anak na si Kerwin Espinosa kung sino-sino ang mga naabutan niya ng drug money.
By Katrina Valle | Karambola | Len Aguirre