Muling binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, ang rotation ng nasa 500 empleyado sa kanilang terminal assignments ay bahagi ng kampanya kontra katiwalian ng ahensya at pagandahin ang serbisyo sa biyahero.
Isasagawa anya ang rotation tuwing tatlong buwan mula sa dating kada anim na buwan.
Nilinaw ni Mariñas na walang “exempted” sa balasahan upang maiwasan ang pang-a-abuso ng mga kawani ng B.I. sa kanilang posisyon na isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng katiwalian sa gobyerno.