Obligado nang magsuot ng face shield ang mga personnel ng Diocese of Balanga sa Bataan.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito’y bilang pagtalima na rin sa mga ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan at dagdag na safety measures laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Samantala, nilinaw ni Santos na magpapatupad din sila ng mandatory na pagsusuot ng face shield para sa mga deboto.