Balik operasyon na ang mga peryahan sa Metro Manila matapos ang mahigit isang taon.
Ngunit may mga patakaran na dapat sundin ang mga tauhan at operator ng peryahan bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.
Kabilang na dito ang pagtitiyak na nasusunod ang health protocols sa lahat ng pagkakataon at paglalagay ng disinfecting machine sa kanilang mga entrance.
Ayon sa isang operator ng peryahan sa Pasay City na si Marty Cordero, tanging mga fully vaccinated individual at mga batang kahit wala pang bakuna basta may kasamang magulang na may vaccine card ang pinapayagan nilang makapasok sa peryahan.