Hindi kailanman magpapa-apekto ang militar sa mga kritiko o bumabatikos sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law of 2020.
Ito ang reaksyon ni Western Mindanao Command (WesMinCom) Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana sa ika-siyam na petisyong inihain sa Korte Suprema laban dito.
Ayon kay Sobejana, inaasahan pa nilang darami pa ang ihahaing petisyon kontra sa nasabing batas sa mga susunod na araw.
Gayunman, tiniyak ng heneral na nakasalig sa saligang batas ang kanilang magiging hakbang at walang mangyayaring pang-aabuso rito.
Dagdag pa ni Sobejana, tuloy pa rin ang kanilang nakagawiang misyon laban sa mga terrorista sa mindanao hangga’t tali pa ang kanilang kamay dahil sa kawalan ng irr sa bagong batas.