Pinagtibay ng Korte Suprema ang awtoridad ng metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng number coding scheme.
Sa 28 pahinang desisyon na pinonente ni Associate Justice Marvic Leonen, binigyang mandato ng batas ang MMDA para solusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Magugunitang naghain ng petisyon noong isang taon ang mga bus driver sa Metro Manila upang mariing tutulan ang muling pagpapatupad sa nasabing patakaran para sa mga public utility bus.
Pero sagot ng high tribunal, wala silang nakikitang matibay na batayan para ipatigil ang pagpapatupad sa naturang sistema kaya nila ibinasura ang mga petisyong kumukuwesyon dito.