Kibit balikat lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga inihahaing petisyon laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.
Ito’y kasunod ng ika-siyam na petisyong inihain sa Korte Suprema na humihiling na ipatigil ang pagpapatupad ng nasabing batas.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr, kalayaan ng bawat Pilipino na dumulog sa high tribunal kung sa tingin nila ay nalalabag ang kanilang karapatan.
Gayunman, nanindigan si santos na ang mga tao na may kinalaman sa terrorismo ang dapat na mangamba habang walang dapat ikabahala ang mga taong masunurin sa batas.