Nai-raffle na sa first division ng COMELEC ang tatlong petisyon na nagpapa-disqualify kay dating senador Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr. sa 2022 National Elections.
Kabilang dito ,ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, miyembro ng first division ang petisyon na inihain ni Bonifacio Ilagan, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law at Religious at Youth Rights Advocates (CARMMA).
Hawak din ng first division ang petisyong inihain ng Akbayan Citizens Action Party at isinampa ni abubakar Mangelen na nagpapakilalang duly elected chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at nagsabing unauthorized at invalid ang inisyung Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa dating senador.
Ipinabatid pa ni Guanzon na naisilbi na ang summon sa mga nasabing kaso kung kailan itinakda sa January 7, 2022 ang preliminary conference.