Iginiit ng Department of Energy o DOE na hindi dapat magtaas ng pasahe sa kabila ng bagong epekto ng excise tax ng mga produktong petrolyo.
Ito ay sa gitna ng mga petisyon para sa taas pasahe na inihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Ayon kay Energy Secretary Leonildo Pulido, may programa ang malalaking kooperatiba para makatulong sa mga driver kung saan may mga ‘rebate’ silang makukuha.
Batay sa kanilang datos mula 2014 hanggang 2016, hindi gaanong nakapaapekto sa presyo ng mga bilihin ang pagsipa ng produktong petrolyo.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOE sa mga kumpanya ng langis para magbigay ng discount sa mga drivers ng pampublikong sasakyan.
—-