Naghain ng manifestation sa Korte Suprema ang ilang petitioner sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hiniling ng mga petitioner sa pangunguna ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa Korte Suprema na resolbahin ang kanilang naunang Petition for Mandamus para atasan ang Senado at Kamara na mag convene para mapag aralan ang Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Hilbay na naghain sila ng manifestation dahil matatapos na ang 60 day period na epektibo ang martial law subalit wala pa ring joint session.
Nakasaad sa manifestation na ang ikinunsider lamang ng high tribunal sa pagsasabing legal ang martial law declaration ng Pangulo ay pinagbatayan nito ang mga impormasyon at data na available nuong panahon ng deklarasyon nito.
Ayon naman kay dating AKBAYAN Partylist Representative Etta Rosales dapat nang utusan ng Korte Suprema ang Kongreso na magsagawa ng joint session para malaman ng publiko ang resulta ng pagsasailalim sa batas militar sa buong Mindanao.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Mga petitioner sa idineklarang ML sa Mindanao naghain ng manifestation sa SC was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882