Nanawagan sa pamahalaan, ang mga Pilipina sa Hongkong na muling ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde.
Sa kanilang International Women’s Day March, kinundena rin ng grupo ang madugong kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga at ang panukalang pagbuhay sa parusang bitay.
Nakiusap din ang grupo sa pamahalaan na maliban sa hindi pagsisingil sa terminal fee, ay tanggalin na rin ang overseas employment certificate.
Kabilang sa mga nakilahok sa martsa ay ang grupong Gabriela, United Filipinos in Hongkong, Bayan Hongkong and Macau at Asian Migrants’ Coordinating Body.
By Katrina Valle
Photo Credit: Gabriela Hongkong Twitter Account