Pang-apat ang mga Pinoy sa pinaka-romantiko sa buong Asya Pasipiko.
Batay iyan sa survey na isinagawa ng Global Payments Firm na Mastercard.
Ayon sa survey, 3 sa bawat 5 Pilipino ang bumibili ng Valentine’s gift para sa kanilang mahal sa buhay.
Gayunpaman, kumpara sa ibang lahi, ayon sa survey, mas matipid ang mga Pilipino sa pagbili ng mga regalo sa Araw ng mga Puso.
Ang mga lalaking Pinoy anila, ay handa lamang gumastos ng 2,767 pesos para sa regalo habang ang mga Pinay ay may budget na 2,397 pesos.
Mas mababa ito kumpara sa P11,552 pesos na handang gastusin ng mga taga-Hong Kong para sa Valentine’s gift.
Samantala, ayon pa sa survey, 72 porsyento ng mga Pinoy ang kumakain sa labas tuwing Valentine’s Day habang ang 33 porsyento naman ay nanunuod ng mga pelikula sa mga sinehan.
By Jonathan Andal