Bawal pa ring pumasok ang mga Pilipino sa Japan.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Tokyo, ito’y bahagi pa rin ng ipinatutupad na travel restrictions ng Japanese government laban sa 154 na bansa.
Ngunit nilinaw naman ni Labor Attache Marie Rose Escalada na bagama’t bawal sa Japan ang inbound travelers ay pinapayagan naman ang outbound passengers.
Sa kasalukuyan, mayroong 24,550 Filipino workers sa Tokyo.