Hinimok ng Ukrainian Ambassador ang mga Pilipino na lumahok sa panawagang panagutin si Russian President Vladimir Putin matapos ang pag-giyera sa Ukraine.
Ayon kay Ambassador Olexander Nechytaylo na nakabase sa Kuala Lumpur, hindi lang dapat manood ang lahat at dapat kumilos rin dahil maraming tao na ang namamatay.
Tinawag namang sinungaling ni Nechytaylo si Putin at si Foreign Minister Sergey Lavrov dahil tinuloy pa rin nito ang pag-atake sa Ukraine sa kabila ng pangako nitong hindi magkakaroon ng gulo.
Para naman sa mga pilipinong nasa Ukraine, tiniyak ni Nechytaylo ang pag-agapay sa mga ito. – sa panulat ni Abigail Malanday