Inaasahang magiging “Maligaya pa rin ang Pasko” ng mga Pilipino sa kabila nang hindi maawat na pagbilis ng inflation rate.
Ito ang reaksyon ng ekonomistang si Astro del Castillo makaraang umabot sa 7.7% ang inflation rate noong isang buwan, na pinaka-mabilis sa nakalipas na halos 14 na taon.
Ayon kay Del Castillo, dapat matuto ang mga Pinoy na i-prayoridad ang pangangailangan, gaya ng pagkain sa halip na luho ngayong nakararanas ng economic crisis ang mundo.
Dapat din anyang paspasan ang produksyon ng pagkain dahil ito ang pangunahing naaapektuhan tuwing may tumatamang bagyo sa bansa.