Nagsimula nang kumapal ang bilang ng mga mamamayang Pilipino sa Luneta o Rizal Park kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Ito’y bilang paggunita sa ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan”.
Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa harapan ng bantayog ng pambansang bayani na si Jose Rizal.
Samantala, nauna na ring inabisuhan ng Manila Police District (MPD) ang mga motorista hinggil sa pagsasara ng ilang mga kalsada sa Kamaynilaan kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
with report from Aya Yupangco (Patrol 5)