Ikinukunsidera na ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umalis na ng Russia dahil sa kaliwa’t kanang international economic sanctions laban sa naturang bansa.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nahihirapan na ang OFW sa Russia dahil sa pagliit ng halaga ng kanilang kinikita indikasyon na ume-epekto na ang ipinataw na sanctions ng Europa at US.
Karamihan anya sa mga naturang Pinoy ay nagpa-plano nang maghanap ng trabaho sa ibang bansa.
Nakikipag-ugnayan na ang POEA sa philippine Overseas Labor Office at Philippine Consulate, na may hurisdiksyon sa Russia upang mabatid ang eksaktong bilang ng mga OFW na nais ng lumipat ng ibang bansa.