Binigyang diin ng Makabayan na hindi sana nahihirapan ngayon ang mga Pilipino sa sobrang taas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo.
Giit ng grupo na mas mura sana ang presyo ng fuel sa bansa kung wala ang mga dagdag na buwis na ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Nakasaad sa ilalim ng tax reform for acceleration and inclusion o train law ay may ipinataw pang dagdag na excise tax sa langis na nakadagdag sa pagtaas pa ng presyo ng krudo sa world market.
Maliban sa excise tax ay mayroon pang value added tax ang mga produktong petrolyo.