Daan daang katao ang nakiisa sa paggunita ng ika-32 taong anibersaryo ng People Power Revolution sa People Power Monument sa Quezon City.
Sinimulan ang pagtitipon ng isang Eucharistic celebration mass na pinangunahan ni Fr. Harold Rentoria, OSA, Commissioner ng National Commission for Culture and the Arts.
Samantala, sa kabilang bahagi naman ng People Power Monument, isang hiwalay na misa ang isinagawa ni “running priest” Fr. Robert Reyes kasama ang grupo ng mga demonstrador na sumisigaw at naniniwalang unti-unti nang namamatay ang demokrasya sa bansa.
Ilan namang mga opisyal na dumating sa People Power monument ay sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sa mensahe na ipinabatid ni FVR, hinimok nito ang publiko na huwag kalimutan ang mga aral na natutunan ng sanlibutan sa mapayapang People Power Revolution at ito ay ang unity, solidarity, teamwork at nation-building.
Samantala, nagtapos ang programa sa pagtatanghal ng Girl Group na 4th Impact kung saan ay kinanta nila ang “Magkaisa” na isa sa mga theme song ng anibersaryo.
WATCH: Girl group ‘4th Impact’ ends #EDSA32 celebration program at People Power Monument with the song ‘Magkaisa’ @dwiz882 pic.twitter.com/NIujczkUVS
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 25, 2018
NGAYON: Dating pangulong Fidel V. Ramos nagbibigay ng talumpati sa #EDSA32 pic.twitter.com/F73Ljn8DWk
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 25, 2018
PANOORIN: Re-enactment ng simbolikong ‘salubungan’ sa #EDSA32 pic.twitter.com/jeo6IFhXzz
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 25, 2018
TINGNAN: Mga opisyal ng gobyerno na lalahok sa selebrasyon ng #EDSA32pic.twitter.com/LvvSsagZ8A
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 25, 2018