Maaari nang makapaglaro sa Korean Basketball League (KBL) ang mga Filipino Basketball Players bilang mga imports simula sa 2022-2023 Season.
Base sa Korean Sports Website Jumpball, pinalawak pa ng KBL ang kanilang Asian Player Quota Program dahilan para mapasama ang mga Filipino players.
Nilinaw naman ng KBL na hindi umano papayagang lumagda o makapaglaro ang mga naturalized Filipino players o yung mga manlalarong in-import ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ang mga Filipino player na tatanggapin sa KBL ay kailangang nakapaglaro na sa PBA o sa local league at isa sa mga magulang ng Filipino player ay kailangan ng Philippine Citizen o passport holder.