Pinatututukan ng isang OFW advocate sa pamahalaan ang lahat ng recruitment agency na nag-o-operate sa bansang Kuwait.
Ito’y makaraang mabunyag na nagsara na ang agency na kumuha kay Joanna Demafelis kaya’t nahirapan ang mga awtoridad na matunton ito nang mapaulat na nawawala noong 2016.
Ayon kay Susan “Toots” Ople, pinuno ng Blas Ople Policy Center, posible aniyang marami pang katulad ni Joana na nakararanas ng pangmamaltrato mula sa kani – kanilang mga amo na hindi naipababatid sa mga kinauukulan
“Kasi baka may ibang workers din yun na hindi na namo-monitor. Ibig sabihin, yung mga nagsasara na mga ahensya, sino na ang nagmo-monitor nung mga na deploy nila.”
Bagama’t mga Pilipina ang kadalasang kinukuha ng mga Kuwaiti upang maging kasambahay, aminado si Ople na hindi sila itinuturing bilang isang tao kundi isang alila o ari-arian.
“Feeling ko kasi, ang tingin nila, dehumanized sa tingin nila yung kasambahay e, hindi nila tinitingnan na ah nanay ito, or ito anak to, hindi nila na re-relate doon sa sarili nila na ang tingin lang nila na ito kinuha ko at magtatrabaho lang sakin. Tingin nila possession at dapat dito, ….. yung business side of it, ang laki rin kasi ng binabayad nila sa Kuwaiti Recruitment agencies makakuha lang ng Pinay.”
(From Sapol Interview)