Pinapayuhan ng Philippine Consulate General sa New York ang mga Pilipino doon na mag-ingat sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Sa abiso ng konsulada, ang COVID-19 surge sa New York City ay pinaniniwalaang dahil sa BA.5 Omicron sub-variant.
Naitala ang pinakamataas na positivity rate sa Long Island City at Manhattan, na may 25% at 20%.
Kaugnay nito, hinimok ng konsulada ang mga Pinoy doon na magsuot ng face mask sa public indoor settings, limitahan ang mga pagtitipon, magpa-test, manatili sa bahay kung may sakit o na-expose sa isang may COVID-19, magpabakuna at magpa-booster.